Saturday, March 14, 2015

Globalisasyon

GLOBALISASYON



                 Para isulong ang Globalisasyon sa kabataan, gumawa kami ng isang larawan na may isang makabuluhang kahulugan sa likod nito. Unang una, ang globalisasyon ang isang kaparaanan kung paano maging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya pambansang gawin o paraan. Magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga nag-iisip na nakakatulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa ilang mga tao. Sa madaling sabi, ito ang ginawang magkakasama sa buong daigdig.

             Ang globalisasyon ay nagdala ng iba't ibang epekto sa iba't ibang aspekto ng daigdig. Isa na rito ay ang Edukasyon. Dahil sa globalisasyon, maaari na tayong makapag-aral sa ibang bansa at makakuha ng trabaho sa murang edad pa lamang. Dahil sa globalisasyon ay marami na ang mga paaralan na bukas para sa lahat, lalong lalo na ang mga may karamdaman at mahirap. 

            Sa nakita nyo dito sa aming naiguhit, ang isang bata ay masayang pupunta sa unibersidad na gusto nya kagaya ng Oxford University na isang napaka "High-Class", DLSU, ADMU at iba pa. Lahat ng ito ay maaari na niyang mapasukan kung naging maigi lamang siyang mag-aral para makakuha ng scholarship. Ang ilang paaralan naman ay nagbibigay ng "Free Education" o libreng pag-aaral kaya ay isang magandang kapalaran ito para sa mga estudyante.

             Para sa amin, mas mabuti na isulong ang Globalisasyon sa aspekto ng Edukasyon dahil ito'y nakalilinang hindi lang sa kinabukasan ng mga kabataan kundi pati na rin sa kaunlaran at kahusayan ng bayan.