GLOBALISASYON |
Para isulong ang Globalisasyon sa kabataan, gumawa kami ng isang larawan
na may isang makabuluhang kahulugan sa likod nito. Unang una, ang globalisasyon
ang isang kaparaanan kung paano maging global o pangbuong mundo ang mga lokal o
pampook o kaya pambansang gawin o paraan. Magkakaiba ang pananaw at
damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga nag-iisip na nakakatulong
ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa ilang
mga tao. Sa madaling sabi, ito ang ginawang magkakasama sa buong daigdig.
Ang globalisasyon ay
nagdala ng iba't ibang epekto sa iba't ibang aspekto ng daigdig. Isa na rito ay
ang Edukasyon. Dahil sa globalisasyon, maaari na tayong makapag-aral sa ibang
bansa at makakuha ng trabaho sa murang edad pa lamang. Dahil sa globalisasyon
ay marami na ang mga paaralan na bukas para sa lahat, lalong lalo na ang mga
may karamdaman at mahirap.
Sa nakita nyo dito sa aming
naiguhit, ang isang bata ay masayang pupunta sa unibersidad na gusto nya kagaya
ng Oxford University na isang napaka "High-Class", DLSU, ADMU at iba
pa. Lahat ng ito ay maaari na niyang mapasukan kung naging maigi lamang siyang
mag-aral para makakuha ng scholarship. Ang ilang paaralan naman ay nagbibigay
ng "Free Education" o libreng pag-aaral kaya ay isang magandang
kapalaran ito para sa mga estudyante.
Para sa amin, mas mabuti
na isulong ang Globalisasyon sa aspekto ng Edukasyon dahil ito'y nakalilinang
hindi lang sa kinabukasan ng mga kabataan kundi pati na rin sa kaunlaran at
kahusayan ng bayan.